Review ng 'The Reader' - Isang Susi sa Nakaraan:

LIBRO-BISAMUNDO

boy sitting on bench beside bookshelf
boy sitting on bench beside bookshelf

Silipin Natin ang 'The Reader'

Ang nobelang 'The Reader' na isinulat ni Bernhard Schlink ay nagtatampok sa mga tema ng pag-ibig, pagkakasala, at ang mga epekto ng Holocaust. Kung tutuusin, tila isang karaniwang kuwento ito ng pagbabalik-tanaw, gayunman, dinadala rin tayo ng librong ito sa masalimuot na paglalakbay ng isang tao na naipit sa gitna ng isang mahigpit na sitwasyon sa kasaysayan. Sa unang pahina pa lamang ay mararamdaman mo na ang lalim at bigat ng mga emosyon. Ang mga alaala ng nakaraan ay mabigat na pasanin pa rin ng isang henerasyon na nanatiling sugatan at nag-aasam ng kagalingan.

Nasaan ang Bisa ng Nobela

Ang 'The Reader' na tila isang simpleng kwento ng pag-ibig ay nagsasalamin din sa malalim na epekto ng Holocaust sa mga tauhan sa nobela. Ikinukuwento ni Michael Berg, pangunahing tauhan, ang tungkol sa kanyang pagkabata at lihim na relasyon kay Hanna Schmitz. Malaki ang agwat sa edad ng dalawa, si Hanna Schmitz ay nasa ikatlong dekada na ng kanyang buhay habang si Michael ay labinlimang taong gulang pa lamang.

Sa kanyang pagkamulat ay nalaman ni Michael ang mga bagong katotohanang mahirap tanggapin. Masalimuot ang ugnayan ng pag-ibig at pagkakasala na pinapaksa sa nobela, at nang sa wakas ay naunawaan na ni Michael ang mga pinagdaraanan ni Hanna, ay lubos na nagbago ang kanyang buhay at pananaw. Gayunman, nanatili ang kanyang mga katanungan kahit nagkaroon siya ng pagkamulat sa maraming bagay na may kinalaman sa pag-ibig.

Bakit ko Binasa ang 'The Reader'

Sa pamagat pa lamang ay mahuhulaan nang may kinalaman ang librong ito sa pagbabasa. Ang librong 'The Reader' ay naging interesante dahil noon at ngayon, ang mga libro ay hindi lamang pangdispley sa mga bookshelf ng malilinis at maluluwang na sala, kundi pangsagot rin sa malalalim na pag-iisip at pagtatanong. Ang pagninilay ng mga kabuluhan ay mabisang mangyayari sa pagbabasa at pagbuklat-balik sa nakaraan.

Nasa mga headlines na naman ang bansang Israel dahil sa walang habas na pakikipag-palitan nito ng lakas-armas sa mga nakapaligid na bansa sa gitnang silangan. Hindi pa rin nakakalimutan sa kasaysayan ang iniwang pait ng Holocaust, ngunit sa panahon ngayon, dapat bigyang-diin na kung mga kanyon at nukleyar ang kagamitan, mga totoong tao ang pumapagitna at nagigipit sa labanan. Katawan at katinuan ang dapat na lumutang sa mga usapin at hindi ang kapangyarihan ng isang bansa sa bisa ng dami ng armas nito na nakatutok sa kanyang kaaway.

Sa digmang kalagayan, lulutang ang mga tanong na may kinalaman sa moralidad, empatiya, at pagtanggap ng mga kahinaan ng tao. Ganito ang sitwasyon ng mga tauhan sa 'The Reader'. Kung matatanaw man lamang natin sa labas ng bintana ng maaliwalas nating sitwasyon ang kaguluhan sa kalooban ng mga tauhang sangkot sa digmaan, marahil ay mas lalalim ang ating malasakit.

Kakaiba ang pag-ibig at relasyon sa nobelang 'The Reader'. Kung mahahawakan ng libro ang puso mo at isipan, kung mag-iiwan ito ng maraming tanong at pagninilay, kung gayon ay tatatak ito sa iyong isipan at magdudulot ng mas malalim na kabuluhan tungkol sa nakaraan. Ang lahat ng pagbuklat sa bisa ng libro ay upang lalo pang magmalasakit sa mga damdaming umiiral sa kaibuturan ng mga apektadong tauhan sa mga kuwento ng tunay na buhay sa ating panahon.

person holding eyeglasses with black frames
person holding eyeglasses with black frames

PAGTUKLAS SA BISA NG LIBRO

  1. Bakit mo pinili ang librong ito para sa iyong sunod na babasahin?

  2. Kung may karakter sa 'The Reader' na di mo makakalimutan, sino siya at bakit?

  3. Anong natutunan mo bilang manunulat mula sa mga pamamaraan at siste ng pagkakasulat ng 'The Reader?'

  4. Sa palagay mo, ano ang mahalagang naidagdag ng nobelang ito sa marami-rami na ring nobelang tumatalakay sa paksa ng 'holocaust?'

  5. Alin para sa iyo ang eksenang talagang tumatak, dahil kitang-kita mo ang eksenang ito dahilan sa detalye at pamamaraan ng paglalarawan?

magbahagi ng sariling talakay sa binasang libro

Libro-Bisa

Mungkahi - sagutin ang mga katanungan bilang balangkas ng iyong libro-bisa.

Talakayin ang mga librong magkakaugnay at humihimay sa paborito mong paksa

Angkinin ang aklat kasama ang libro-bisa - ang salamin ng aming basa ay sa iyo pa rin.

Aklatan
Libro mo to